life in the philippines life in the philippines

Poem

Poem: Ulan

31 Jul , 2017   Jhesas Lheo

Ulan

by Jhesas Lheo D. Urgel

 

Bakit sa bawat pagpatak mo sabay ring pumapatak ang luha ko?
Ang mga luha kong pilit pinapahi at pinapalitan ng ngiti

Ngiting mamumutawi sa aking mga labi at papawi sa lungkot na kinukubli.
At upang lalo pang takpan ang sakit, unti-unting ibubuka ang bibig hanggang ang lungkot ay tuluyang mawaglit,
hanggang sa ang ngitiý magka-tunog at maging tawa’t hagikgik

Tawang dumadagundong tulad ng kulog na kasabay mo ring nagngingitngit.
Ngunit kapag ang pinagkakailang pait ay sumilip, sa pagkakakubliý pilit pa ring humirit,
ilalakas pa ito hanggang ang panga ay mangawit.

Oo ulan, nakangangawit, nakangangalay sa panga ang paghagalpak ng malupit
Kung sana ang tawa at tuwa ay tulad mo at ng ambon
subalit hindi, alam nating hindi.

Pero bakit nga ba ako tumatawa kung ang tuwa ay sadyang wala na?

Kaya kasabay mo gusto kong umiyak.
Gusto kong umiyak na may kasamang pagpadyak.. gusto kung umiyak!
Kung sa pag-atungal ko mauubos at matatapos ang lungkot na nakangangatal.
Gusto kong umiyak!
Katulad ng pagbuhos mo na may kasamang kidlat, gusto kong umiyak!
Gusto kong umiyak!

Nang sa gayon sa pagtila mo sabay na ring hihinto ang sakit,
ang sakit na pilit na sumisingit, sakit na dulot nya noong ako’y winaglit.
ulan

334 Total Views 5 Views Today
Follow me

Jhesas Lheo

Technical Administrator/Programmer at Government
Pinoy Blogger. Government Employee. Systems and Web Des/Dev. Owner of JuansLife.com. Good Son. Good Brother. Good Friend. Hopeless Romantic
Follow me

, , , , ,


Two Less Lonely People – Kita kita OST

Site Badge

Personal - Top Blogs Philippines

I heart FeedBurner

Check Page Rank Flag Counter

Advertisement

Close