life in the philippines life in the philippines

bakit nga ba?

Life

Bakit Nga Ba Ang Sakit?

18 Feb , 2016   Jhesas Lheo

Bakit Nga Ba?

Bakit sa ingay ng mundo tila wala akong madinig o pilit ko lamang tinatakpan ang aking mga tenga upang maibsan ang sakit.
 
Bakit nga ba sasambit pa ng mga salitang di naman mapakikingan kahit tila paos na ang puso ko at gusto kong humiyaw. Sumigaw. Kahit may bibig ay pinipili kong itikom at di ibulalas ang laman ng isip, marahil ayaw kong makasakit dahil danas ko ang pait.
 
Hindi ba maaaring mamanhid ang katawan sa mga hagupit ng kanilang mga matatalas na salita na sa aki’y nag-iwan ng sugat. Peklat.
 
Bakit pa tatayo kung napilay na sa pagkakasubsob at ang mukha ay puno ng putik na kinuskos sa akin nilang malilinis ng ‘di namalayang ang kamay nila’y nagkarungis.
 
Bakit ako nagkukubli suot ang maskarang dinisenyo nila sa akin, para lamang matanggap at maakap?
 
At sa oras na ang puso kong ito’y pumintig wari nila ito’y tawag ng laman, isang kasalanan at makamundong pangangailangan, wala silang alam na ang tulad ko’y may kakayahan ring makipag-mahalan.
Bakit pa lalaban kung masasawi lamang sa mga matang mapangkutya, sa kamay na mapanakit, sa mga husga ng mga taong mamang. Mangmang sa dinaranas kong sakit.
 
Bakit nga ba ako gaganti sa pangungutya kung maaari namang umunawa. Siguro nga di ko alam ang aking ginagawa.
bakit nga ba?
Bakit?
 
Bakit Ikaw, bakit Ikaw, tangap ako
Bakit Ikaw akap-akap ako sa bisig Mo .
‘Di ata nila alam Ikaw rin ay nasasaktan sa pagsalag ng batong dapat ay sa akin.
Ako sana ay patawarin.
 :(
578 Total Views 1 Views Today
Follow me

Jhesas Lheo

Technical Administrator/Programmer at Government
Pinoy Blogger. Government Employee. Systems and Web Des/Dev. Owner of JuansLife.com. Good Son. Good Brother. Good Friend. Hopeless Romantic
Follow me

Related posts:

A Day of A UV Express Commuter
Di Ako Choosy!
Special Valentine Budget Tips

, , , ,


Site Badge

Personal - Top Blogs Philippines

I heart FeedBurner

Check Page Rank Flag Counter

Advertisement

Advertisement

Close